Latest News‎ > ‎

BUWAN NG NUTRISYON IPINAGDIWANG

posted Mar 3, 2016, 6:40 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Mar 8, 2016, 7:31 PM ]

                

Ni. Bb. Maria Crispina S. Mendoza (Guro sa 2 - Orchid)

        

        Idinaos ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa Paaralang GL David upang masiguro na ang lahat ng mag-aaral ay magiging kalahok sa pagdiriwang alinsunod sa paksa ng nutrisyon ngayong taon na “ Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo”sa pamamagitan ng mga pansilid-aralang mga palatuntunan ng bawat baitang  at pangkat.

            Isa na ang Grade II – Orchid sa mga nakiisa sa nasabing selebrasyon at nagsagawa din ng munti ngunit makabuluhang programa sa kanilang silid. Laman ng programang kanilang isinagawa ang “Coloring Contest” na si Gng. Lilia H. Vilan, gurong tagapayo ng GradeII-Sampaguita ang nagsilbing hurado. Itinanghal na pinakamagaling sa pagkukulay sina Althea Khate M. Binsol at Arlo O. Ramos.

            Bahagi din ng munting palatuntunan ang mga nakalilibang na pagtatanghal na ipinamalas ng mga mag-aaral ng II-Orchid gaya ng pag-awit, pagtula, pagsagot sa mga trivia questions at sabay sabay na paggalaw sa pamamagitan ng pag-eehersisyo. Hindi rin nagpahuli ang gurong tagapayo ng II – Orchid matapos niyang ipaliwanag at masusing ipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kahalagahan at mahalagang bahagi ng kalusugan sa bawat isa.

                Natapos ang programa ng masaya at nagpatuloy na ang lahat sa aralin matapos ang ipinamalas na suporta para sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. 

Comments