Latest News‎ > ‎

ARAW NG PAMILYA TAGUMPAY

posted Mar 3, 2016, 6:49 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Mar 8, 2016, 7:30 PM ]

Nina: Bb. Maria Crispina S. Mendoza (Guro sa 2 - Orchid) at Gng. Lilia H. Vilan  (Guro sa 2 - Sampaguita)

            Nadamang muli ang nag-uumapaw na kasiyahan at di maawat na pananabik sa muling pagdiriwang ng Araw ng Pamilya sa GLDMES. Sa pakikiisa ng mga pamilyang nagsidalo sa mahalagang pagdiriwang, ang markang muli ang tunay na diwa ng pagpapahalaga sa pagsulong ng buo at nagkakaisang pamilya.

            Bahagi ng pagdiriwang ang naging paligsahan din sa talent ng mga pamilyang kalahok ng bawat baitang at pangkat na nagpamalas ng angking husay at galing sa talentong napili upang makuha ang boto ng mga hurado at itanghal na “FAM TO FAME 2015” champion. Nasungkit ng magkapatid na Quimba ang kampyonado na mula sa IV – Leo, pumangalawa naman sa kanila ang tambalan ng mag-ina ng pamilya Mariano mula sa I – Rizal at nakamit ng V – Earth ang ikatlong puwesto matapos na mapasakamay ito ng magtiyahing Edgardo at Romelyn ng Pabustan Family. Bahagi din ng pagdiriwang ang “Boodle Fight” na kung saan sama-sama at sabay – sabay na nagsasalo-salo ang lahat sa isang masagana at nakabubusog na hapag baon ng mga magulang, guro at mga batang nakisaya sa araw ng pamilya. Lalo pang napuno ng saya ang buong pagdiriwang matapos kabahan at masabik ang lahat para sa “Ice Bucket Challenge” na suportado ng mga guro at mga HRPTA Officers na naging isport at tinanggap ang hamon ng buhos kaysa magbayad at agad itong sinundan ng ibat-ibang kapana-panabik na palaro na inihanda ng mga guro para sa bawat kasapi ng pamilyang magsidalo mula kinder hanggang ika-anim na baitang.

Comments