Latest News‎ > ‎

TULONG NA MARANGAL MULA SA "BINGO SOSYAL"

posted Feb 29, 2016, 10:38 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Feb 29, 2016, 11:23 PM ]

    

          

Ni: Gng. Marilou T. Valiente (Guro sa 5 - Earth)

        Taon-taong isinasagawa ang paghahanda ng mga paaralan ilang lingo bago pa man sumapit ang pasukan sa pagsasaayos, pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan na maaari pang gamitin maging ng pagpipinta ng mga bangko, lamesa at ng silid-aralan.  Brigada Eskwela kung tawagin ang sama-samang paggawa sa pakikiisa ng mga magulang, guro, mga mag-aaral ng paaralan at maging ng ilang sector ng lipunan.

            Kaakibat ng pagsasagawa ng Brigada Eskwela, ang G. L. David Memorial Elem. School,  ay nagkaroon ng isang masayang palaro na isinagawa sa ikalawang bahagi ng programa sa pagdiriwang ng 117 – taong kalayaan ng ating bansa noong ika- 26 ng Hunyo.  Nakatulong sa mga guro ng paaralan upang mas lalo pang mapaaayos at mapaganda ang kanilang silid para sa kaaya-ayang pag-aaral ng kanilang mga mag-aaral at tinawag itong “bingo sosyal”.  Ang kalahati ng halaga mapagbebentahan ng bingo cards ay ilalaan para sa pagsasa-ayos ng silid at ang kalahati ng halaga ng card ay para sa papremyo ng nasabing palaro.  Walong yugto ng laro ang pigil hiningang nilaro ng lahat ng nakiisa sa bingo sosyal.  May limang panalo ng konsolasyon kabilang sina Gng. Hernando, Jonard de Leon, Gng. Francisco, Gng. Bagulaya at Gng. Pangan na pawing nakatanggap ng tig-isang daang piso bawat isa.  Maswerte naming napanalunan ni Gng. Cortez ang ikatlong premyo matapos na mabuo ang pattern sa halagang dalawang daan piso.  Dalawang mag-aaral naman sa mula sa V-Earth ang naghati na lamang sa halaga ng ikalawang papremyo na halagang tatlong daang piso. Higit na puno ng swerte talaga ang mag-aaral ni Bb. Sibug ng V- Venus na matapos mapanalunan ang first prize na halagang limang daan piso sa larong block out game na si Jonard De Leon na tuwang tuwa at ginawad ang kanya premyo ni Gng. Ma. Jovita B. Singzon.

            Tunay na naging makubuluhan at nakaaaliw ang saya na hatid sa lahat ng mga nakiisa at nakikaba sa palaro at tulong na naging daan para sa mas kaaya-aya at mas maunlad na paaralang G. L. David Memorial Elem. School.

Comments