Latest News‎ > ‎

SEARCH FOR THE MOST FRIENDLY SCHOOL... GLDMES, NAKIISA AT KINILALA.

posted Feb 25, 2016, 6:22 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Feb 25, 2016, 11:27 PM ]
     
  ni: Bb. Aurora V. Sibug (Guro sa 5-Venus)

“Reduce, Reuse, Recycle”...Tatlong salita na malaking bahagi ang ginampanan sa matagumpay na paglulunsad ng programang Eco-Friendly City sa pangunguna ng masipag at mahusay na Punong Lungsod Joet Garcia, sa pakikiisa at pakikipagtutulungan na rin ng  Dep.Ed Division City of Balanga maging ng mga paaralang tumugon at nakibahagi upang maging kalahok para sa “Search for the Most Eco-Friendly School”.

Kaisa ang GLDMES sa mga paaralang tumalima sa mahalagang panawagang ito at nagpamalas ng maigting na pagsuporta upang mabigyan ng kalugod-lugod na pagpapahalaga at diin ang layunin  ng nasabing programa...ang lalo pa’ng pasiglahin at pagyamanin ang kalikasan ng ating lungsod at mapanatili ang tinatamasa nating Clean and Green City Environment. Kaakibat din ng programang ito ang wastong kasanayan at kaalaman para sa Proper Waste Segregation and Management patungkol sa mga tamang kalagyan ng mga basura at paghihiwalay nang  mga bagay na maaari pang gamitin at gawing kaaya-aya at kapaki-pakinabang na proyektlo mula sa mga patapong bagay. Sa masusing pagsubaybay, pagpapamalas ng nagkakaisang layunin at pagtutulungan naisakatuparan ang mabilis na pag-unawa, pagsunod sa mga wastong gawi at mga alituntuning dapat sundin ng bawat isa alinsunod sa Waste Management Regulations. Sa pangunguna at  paggabay na rin ng gurong tagapayo ng SPG ng paaralan na si BB. Aurora V. Sibug at sa mahusay na pamamalakad ng samahan ng  sa pamumuno ni Mayor James Conrad B. Ramos, naging positibo ang bunga ng tiyaga at pagsisikap.

 Bilang pagkilala, nagdaos ng gabi ng parangal para sa mga paaralang naging bahagi ng Search at isa ang ating paaralan sa mga tumanggap ng Sertipiko ng Pagkilala para sa di-matatawarang partisipasyon. Idagdag pa ang mga papuri at pasasalamat na ating natanggap mula sa Punong Lungsod at mga kawani ng Dep.Ed City of Balanga na labis pa’ng nagbigay ng kagalakan sa puso ng punong guro at mga guro ng paaralan dahilan upang sila’y buong husay na umindak at nagpamalas ng galing sa pagsayaw sa kanilang inihandang special dance number..

Comments