Latest News‎ > ‎

Lecture and Demo: WASTONG PAGSISIPILYO AT PAGHUHUGAS NG KAMAY.

posted May 14, 2013, 7:08 PM by Pilinda Rose Dominguez

 Ni Gng. Marilou T. Valiente  

       Nakisa ang paaralang G.L. David sa isinagawang pagpapakitang turo sa wastong pagsisipilyo at paghuhugas ng kamay noong ika-2 ng Hulyo pinangunahan ang nasabing demo ng mga kawani mula sa City Health na sina G. William A. Orozco, G. Alberto O. Dizon, Dr. Ronaldo G. Sioson at Dr. Allan S. Escuedo.

          Layunin ng naganap na demo teaching na mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat mag-aaral ng paaralan sa kahalagahan ng wastong pagsisipilyo at paghuhugas ng kamay. Sa pangunguna ni G. Orozco at G. Dizon na naipaliwanag ng malinaw at maraming kaalaman ang naibahagi sa mga mag-aaral ukol sa wastong paghuhugas ng mga kamay at ilan sa mga eto ay ang mag-awit ng dalawang beses ng happy birthday song habang sinasabon ang mga sulok at singit ng mga daliri, sa mga bahagi ng palad hanggang sa mga kuko.

          Titalyadong pagpapakitang turo naman ang ipinamalas nina Dr. Sioson at Dr. Escudero sa mga bata matapos ang pag iisa isa ng mga tamang gawi sa pagsisipilyo  ng ngipin. May kasabihan ngang  “An apple a day gives a doctor holiday” na nangangahulugang na ang wastong pangangalaga sa atin katawan at sa mga bahagi nito ay magbibigay ng malusog na pangangatan, matalas na isipan at armado ng mga pananda laban sa mga lumalaganap na mga sakit. Tunay na malaking tulong ang mga kaalaman na ito upang mas lalo pang mapaunlad ng isang bata ang kalusugan na maaaring maging isa sa mga kayamanan na maari niyang taglayin upang magpamalas ng kasiya-siyang pagkatuto at pag unlad ng pagkatao

 

Comments