Latest News‎ > ‎

KICK OFF CEREMONY FOR BRIGADA ESKWELA 2015 “Tayo Para sa Kalikasan, Kaligtasan at Kahandaan ng ating mga Paaralan.”

posted Feb 29, 2016, 9:54 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Feb 29, 2016, 9:57 PM ]

Nina: G. Randy R. Salandanan (Guro sa 4 - Leo) at Bb. Concepcion C. Chiuco (Guro sa 4 - Taurus)


            Ang ika-12 taon ng pagsasagawa ng Brigada Eskwela ay sinimulan noong ika 18 ng Mayo sa Plaza Mayor ng City of Balanga, na kung saan lahat ng paaralan sa Distrito ng Balanga, pampubliko man o pribado pang elementarya man o high school. gayon din ang matataas na opisyales ng pamahalaan sa pamumuno ni Vice Mayor Noel Valdecañas at ang mga Konsehal ng bayan, gayon din ang mga kawani ng buong DepEd. Pagkatapos ng maiksing palatutunan at pagbabahagi ng mga ilang kasangkapan na makakatulong sa paglilinis sa paaralan, ang lahat ay nag kanya-kanyang punta sa kani-kanilang paaralan kung saan ang pagsismula ng Brigada Eskwela sa bawat paaralan ay maisakatuparan.

            Nagsimula ang Brigada Eskwela’15 sa G.L. David Mem. Elem School sa maigsing programa. Ang pahingi sa patnubay ng Poong Maykapal ay pinamunuan ni Gng. Eloisa M. Bacani, kinumpasan naman ni Gng. Marian C. Robles ang pambansang awit, si Gng. Ma. Jovita B. Singzon ang nagbigay ng pambungad na pananalita at  pagpapakilala sa mga guro at ang kanilang bagong grade assignment, sinundan ni Gng. Jennifer F. Ramos sa pagkilala sa mga stakeholder ng paaralan, si Gng. Lilia H. Vilan ang nag-ulat sa naisakatuparang proyektong paaralan sa nakaraang taon at ang mga dapat pa naisakatuparang proyekto, si Gng. Nory M. Santos ang nagpaliwanag ng kahalagahan ng B.E. at si Bb. Ma. Crispina Mendoza ang nagpaliwanag ng mga pang-araw-araw na gagawin sa panahon ng Brigada Eskwela. Pagkatapos ng program ang lahat ay nagsitulong  na sa kani kanilang lugar na itinakda upang malinis ang buong paligid. Ang mga 4P’s na walang sawang nilinis ang buong paligid ng paaralan, ang mga scholar ng bayan natin ay tinulungan ang mga guro sa palilinis at pag-sasaayos ng mga silid at ang mga magulang na laging handang tumulong sa mga guro at paaralan.

 

Comments