Latest News‎ > ‎

KALAYAAN: SAGISAG AT KAHALAGAHAN

posted Feb 29, 2016, 9:22 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Feb 29, 2016, 9:24 PM ]


Ni: Bb. Aurora V. Sibug (Guro sa 5 - Venus)

Tumatak na sa puso’t isipan ng bawat mamamayan Pilipino ang marka ng katapangan at pagmamahal sa bayan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay at nag-alay ng kanilang panahon at pagsisikap makamtam lamang ang kalayaang inaasam.Taong 1898 ika-12 ng Hunyo nang malasap ang tamis ng tagumpay at ang bunga ng pagtitiis at pawis ay animo’y napalitan ng nagniningning na galak at walang humpay na hiyaw ng kalayaan at mahalagang pagdiriwang. “Tayo may bayani din,kung kalayaa’y mapananatili natin”isang bahagi sa sabayang pagbigkas ng mga mag-aaral na aking napakinggan.  Tama at makahulugan na tayong lahat ay maaaring maging bayani.Mabuting pinuno at modelo ng kagandahang-asal at pagmamahal higit lalo sa lupang tinubuan.Isa na ngang halimbawa nito ay ang mabuting pagganap at masigasig na pamumuno ng mga Supreme Pupils Government(SPG OFFICERS) ng paaralang G. L. DAVID na nagsagawa ng pagsasabit at paglalagay ng mga munting bandila (flaglets) sa bawat silid ng nasabing paaralan bilang tanda ng kahandaan sa paggunita ng ika-117 taong araw ng kalayaan.

                      Isinagawa ang mahalagang aktibidad ng SPG OFFICER noong ika-labing isa ng Hunyo bago ang takdang oras ng pag-uwi ng lahat ng mag-aaral.Matapos ang pagsasabit ng mga flaglets ay sinimulan na ang Lowering of the Flag bilang hudyat ng katapusan ng isang buong linggong pag-aaral.Naganap sa mismong Lowering of the Flag  ang dagdag kaalaman at pagpapaliwanag  nang mabuti sa kahalagahan at magandang ibinunga ng pagkamit ng kasarinlan ng bansa. Pinangunahan ito ng mga SPG OFFICERS sa pamamagitan ng paggamit ng Akronim mula sa salitang  “KALAYAAN” at higit pang naipaliwanag at pinatimo sa puso at isipan ng bawat mag-aaral at guro ang dahilan ng pagtitipon nang magbahagi rin ng mga mahahalagang kaalaman at sagutin ang ibang katanungang bahagi ng kalayaang nakamtan, si Bb. AURORA V. SIBUG gurong tagapayo ng mga SPG OFFICERS.Natapos ang Lowering of the Flag Ceremony na bitbit ng bawat mag-aaral ang halaga at mabuting dulot ng pagkakaroon ng kalayaang hatid ng katapangan at pagmamahal sa ating inang bayan...

Comments