Latest News‎ > ‎

ISANG SULYAP SA 117 TAONG ARAW NG KALAYAAN...

posted Feb 29, 2016, 9:13 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Feb 29, 2016, 9:30 PM ]
Ni: Bb. Aurora V. Sibug (Guro sa 5 - Venus) 

Hunyo 12, 1898 nang unang iwinagayway ni Pangulong Emilio Aguinaldo at nagsilbing hudyat sa bawat Pilipino na nakamit na ang kalayaang minimithi makalipas ang ilang taong napasailalim sa pananakop ng mga dayuhan. Kalayaang matagal nang inasam na maisakatuparan katumbas ng mga luha, pawis at dugong inialay ng mga bayaning nag buwis ng buhay makamtan lamang ang kalayaan, kalakip ng kasarinlan at malayang pagganap.

                 Kaya’t bilang paggunita sa katapangan at pagmamahal sa bayang tinubuan. Patuloy pa ring ipinagdiriwang ang kabutihang hatid ng kalayaang nakamit. Kabilang na ang paaralang G.L. David na sabay-sabay na sinambit ng malakas ang mga katagang ”MABUHAY ANG PILIPINAS, MABUHAY BANSANG MALAYA”.

Bilang bahagi ng munting programang handog sa paggunita ng 117 - taong pagdiriwang ng kalayaan ng ating bansa. Ibat-ibang uri ng pagtatanghal ang isinasagawa ng mga piling mag-aaral mula sa ika-una hanggang ika-anim na baitang.

                Tula ang pinamalas ng mga mag-aaral mula sa unang baitang samantalang awit at sayaw sa interpretasyon naman ang isinagawang pagtatanghal ng mga mag-aral mula sa ikalawa at ikatlong baitang.

Nagpakitang gilas naman sa pamamagitan ng folk dance ang mga bata mula sa ikapat na baitang. Hindi naman nagpahuli ang mga piling mag-aaral ng ikalima at ikaanim na baitang matapos ipamalas at magpasiklab ng ibat-ibang emosyon sa kanilang inihandang sabayang pagbigkas. Matapos ang mga makabuluhang pagtatanghal ay kinilala at binigyan ng sertipiko ang mga huwarang mag-aaral ng bawat baitang at pangkat sa pangunguna ng punong guro ng paaralan na si Gng. Ma.Jovita B. Singzon.

Lubos na naging makabuluhan at puno ng makasaysayang kaalaman ang naganap na pagdiriwang ng paaralan alinsunod sa paggunita ng 117 - taon pagdiriwang ng ating kasarinlan.

Comments