Latest News‎ > ‎

GLDMES SBM EVALUATION, LEVEL II

posted Feb 25, 2016, 4:17 AM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Feb 25, 2016, 4:20 AM ]
ni: Marian C. Robles (Guro sa 3-Pearl)
January 19, 2016, naganap ang School Based Mangement mula sa masusing pagsusuri ng mga opisyales ng Dep. Ed. City of Balanga sa pangunguna nina Gng. Flordeliza Del Rosario ( Chief of Governance), Gng. Janette T. Andales ( PSDS) at Gng. Edna Q. Polache ( Sagod Official) katuwang ang ilan pang opisyal na bahagi ng isinagawang pagsisiyasat.

       Buong pusong paghahanda at pagtanggap ang ipinamalas ng mga mag-aaral at guro ng nasabing paaralan sa pangunguna ng School OIC na si Gng. Lea c. De Jesus at SMB Coordinator Gng. Marian C. Robles. At sa hudyat ng masiglang pagtugtog at nakakaindak na salubong ng DLC na tanda bilang pagtanggap, sinimulan ang pagsusuri, pagtatanong at pagkilatis sa apat na kategorya ng SBM na may layuning pagtingin ang kahandaan at mapalawig pa ang mga kaalaman ng paaralan kaakibat ang apat na kategoryang nakapaloob sa SBM. Kabilang sa mga Gurong buong handa sa pagsagot sa mga katanungan ayon sa pinamunuang kategorya ay sina Gng. Marian. C. Robles ( Principle I/ Leadership and Governance), Gng. Marilou T. Valiente ( Principle II/ Curriculum), Gng. Eloisa M. Bacani (Principle III/ Accountability and Continous Improvement), Gng. Nory M. Santos( Principle IV/ Mangement Of Resources).

         Sa huli, iginawad ang Ikalawang Level ng kahandaan para sa SBM sa paaralang GLDMES, dahilan upang magbigay pa ito ng munti ngunit kapuri-puring pagganap at pasasalamat para sa tagumpay ng bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan, hango sa mga katagang nasambit ng OIC, “United We Stand, Divided We Fall”. Gng. Lea C. De Jesus.

Comments