Latest News‎ > ‎

Galing Mo, Ipakita Mo!

posted May 14, 2013, 6:51 PM by Pilinda Rose Dominguez
Ni Gng. Marilou T. Valiente
TALENTO ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang ito? Talento ay galling husay o kakayahan na ipinakikita sa pamamagitan ng pagsayaw, pag-awit, pagtula, pagguhit, pagluto o espesyal na galling na hindi magagawa ng iba. Marami sa atin ay nahihiya na ipakita ito ngunit sa buwang ito, binigyang daang maipakita ito sa maraming tao.

           Pinasimulan ang munting programa sa pamamagitan ng isang panalangin na pinangunahan ng mabait at masipag na bata ng ika-anim na baitang ng Einstein na si Ma. Allyssa G. Arellano na sinundan naman ng pag-awit ng Pambansang Awit na kinumpasan ng mahusay at masigasig na batang si Luis Fernando M. De Jesus. Isang masayang pagbati at pagbibigay mensahe naman sa mga magulang at mag-aaral ang nagmula sa ating butihing gurong tagapayo ng ika-anim pangkat Einstein na si Gng. Marilou T.Valiente

           Ang palatuntunang ay nasundan ng pagpapakita ng natataging bilang mula sa piling bata sa bawaat grupo na siyang nagpamalas ng kanilang mga galing sa pagsayaw, pag-awit at pagtulana siya namang nagpasaya sa bawat manunuod sa klase ng ika-anim na baitang.

                    Hindi rin mawawala ang pagbibigay parangal sa batang naging huwarang mag-aaral sa buwan na ito ay walang iba kundi si Manuel G. Guatno Jr. Naging matagumpay ang programang ito sa tulong ng mga magulang at mag-aaral na walang sawang tumutulong at nakikiisa.

Comments