Latest News‎ > ‎

EDUCHILD Parenting Program

posted Apr 23, 2013, 1:03 AM by Pilinda Rose Dominguez

Nina: Gng. Donna C. Caragay at Gng. Jennifer F. Ramos

Kasabay ng mabilis na pagsulong ng panahon, bahagi narin ng ating buhay ang suliraning kinakaharap ng ating bansa. Ilan nga sa mga ito ay ang palitan ng piso at dolyar, pagtaas ng bilang ng krimen, kahirapan, edukasyon at kapwa di- pagkakaunawaan. Isa pa sa mga pumapaloob sa mga lubak na dinaraanan ng ating panahon ang sagradong pundasyon at matibay na sandigan ng ating mga kabataan na ika nga ni Rizal ay pag-asa ng ating bayan ang pamilya na nararapat bigyan ng wastong pansin, kaalaman sa mabuting pag-uugnayan at pag-akap sa katatagan ng pagsasamahan.

Kaugnay nito, sa pangunguna ng pamalaang lungzod ng Balanga pati ng punong lungsod  Joet Garcia III at sa pakikiisa ng mga pampubliko at pribadong paaralan ng lungsod ,elementarya at sekondarya ay inilungsad ang “ Edu-Child” na isang parenting seminar na nilahukan ng bawat mag-asawa . Ito ay  may layuning ipabatid ang kahalagahan ng isang buo at may pagkakaunawaan ang pamilya.Layon din nitong ihatid sa bawat isa upang malaman at magampanan ng bawat kasapi ng mag-anak ang mga tungkulin at responsibilidad nila bilang bahagi ng pamilya.Isa na sa mga tumugon sa panawagang ito ang paaralan ng G.L. David sa pakikiisa ng mga magulang at pakikipagtulungan ng bawat guro at mag-aaral ng paaraalan sa siyam na linggong matiim at buong atensyon pakikinig sa mga imbitadong tagapagsalita na nagbabahagi ng mga kaalaman, solusyon at mabuting paggabay sa mga talakayan na nakapaloob sa bawat modyul na pinag-uusapan at binibigyang pansin at pag-aaral na sina G. Villanueva,Pastor Ballester,G. Rolly Dizon, Pastor at Gng. Ocampo at Gng. Vilma Dequizo, na tunay na nakapagbahagi ng busog na kaalaman, kahusayan at kaaliwan sa mga magulag na dumalo sa Parenting Seminar .
 
            Kaunti man o marami ang mga magulang na dumalo sa kabila ng pabago-bagong panahon, sitwasyon at kalagayan sa buhay ay patuloy pa rin ang pagsuporta ng bawat magulang,guro at mag-aaral ng paaralan sa makabuluhang  programang ito. Tunay na makatutulong sa pagsagip ng pamilyang maaring mabuwag ng mga suliraning kinakaharap ng bawat isa at ipadama ang tunay na diwa ng pagkakaisa, pagmamahalan at pagbibigayan ng bawat mag-anak. Nagsilbing susi para sa maliwanag na hinaharap ang Edu-Child Parenting Seminar na natatanging programa ng pamahalaang lungsod upang maipabatid ang mga mahahalaga at makabuluhang kaisipan sa bawat pamilya upang patuloy na makasabay sa mabilis at nagbabagong agos ng buhay.

 

Comments