Ni: Gng. Jennifer F. Ramos (Guro sa 6 - Galileo) Kaugnay
ng mga aspetong ito ay ang mga modyul o mga temang tinatalakay sa parenting
seminar na patuloy na isinusulong ng pamahalaang Lungsod ng Balanga ang
EDUCHILD PARENTING SEMINAR ng ating paaralan GLDMES na may layuning ipabatid
ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buo, nagtutulungan, nagkakaisa, at puno ng
kaalaman sa mabuting pagsasamahan ng mag-asawa, ng mga magulang sa kanyang mga
anak at maging sa ibang taong nakakasalamuha nila. Noong ika-11 ng Setyembre ay sinimulan at
ginanap ang ika-anim na batch ng Educhild Parenting Seminar sa pangala-alang
Paaralang Elementarya ng G.L. David. Ito ay nilahukan ng mga masisipag at
matitiyagang mga magulang ng mag-aaral ng aming paaralan.
Higit na pinatunayan at ipinakita ni G. Rolando “Kuya Rhollie Dizon” ang kanyang kahusayan at kasanayan sa pagtalakay sa 8 topics. - September 11 - Knowing Oneself - September 17 - Time Management - September 24 - Managing Family Finances & Moral and Spiritual Development of Children - October 1 - My Role as the Leader of my family & Dealing with in laws - October 15 - Emotional Management & Chastity for True Love Hindi naman nagpadaig si Gng. Candy Ramos (Completers ng Batch 5) sa pag-ayuda at pag asiste sa inyong lingkod at bilang pagpapatunay nag discuss pa siya ng 2 topics noong October 8 Child Development Stage & Communication & Positive Discipline Natapos ang seminar na binubuo ng sampung sesyon na lubusang naintindihan at naunawaan ng mga aktibong mga magulang mula umaga hanggang hapon. Ang markang muli ang tunay na diwa ng pagpapahalaga sa pagsulong ng buo at nagkakaisang pamilya. |
Latest News >