Latest News‎ > ‎

EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION...SIMULA NG KAMALAYAN AT PAMBANSANG KALAYAAN

posted Mar 3, 2016, 7:27 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Mar 3, 2016, 7:31 PM ]

Ni: Bb. Aurora V. Sibug (Guro sa 5 - Venus)

                Sadyang napaka bilis ng pagdaan ng panahon, tatlong dekada na ang nakalipas matapos maganap ang makasaysayang People Power revolution sa Edsa na dinaluhan ng milyon-milyong nagkakaisang Pilipino mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan. Sumiklab ang di malilimutang pagsasama-sama na ito ng mga kapwa nating Pilipino matapos ang mahabang panahon ng pagtitiis sa paniniil at pagpapahirap ng pamahalaang Diktatoryal sa pamumuno ng noo’y Pangulong Ferdinand Marcos. Makalipas ang dalawampung taong panunungkulan at pagyurak sa mga karapatang pantao ng bawat Pilipino sa ilalim ng Martial Law ni Marcos.

                Unti-unting umusbong ang kamalayan ng bawat isa maging sundalo, pari, madre, manggagawa o karaniwang mamamayan man ng bansa at sama-samang ipinadama ang mapayapang pagkamit ng kalayaan at bawat karapatang nararapat kamtin ng bawat isa lalo na ang kalayaan sa pamamahayag ng damdamin at saloobin sa pangunguna ng kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa na si Cory Aquino katuwang sina Fidel Ramos, Juan Ponce Enrile at Jaime Cardinal Sin na kapwa malaki ang iniambag na suporta sa nagkakaisang layunin ng mga Pilipino sa panahon ng mapayapang rebolusyon.

                Kaisa din ang paaralang G.L. David sa paggunita at pagdiriwang ng ikatatlumpung taon ng EDSA Revolution. Sa pamamagitan ng maikling programang pampaaralan, sa pakikiisa ng mga mag-aaral, guro at mga magulang nagkaroon ng mga timpalak gaya ng Slogan, Poster at Essay writing contest patungkol sa pagdiriwang pati na ng sayaw drama sa himig ng kantang “Magkaisa” na naglalaman ng mga kaganapan noong panahon ng Edsa at maramihang pag-awit ng kantang “Handog ng Pilipino sa Mundo”.

                Natapos ang paggunitang programa sa pamamagitan ng Lowering of the Flag  bilang hudyat ng pagtatapos ng isang buong linggo na puno ng kaalaman at baon ang mga karunungang magsisilbing sandata sa pagharap sa mga hamon ng buhay sa kasalukuyan.   

 

Comments