Latest News‎ > ‎

DIVISION FUN RUN, TAGUMPAY

posted Dec 10, 2013, 11:28 PM by Pilinda Rose Dominguez

           

           ni: Paloma G. Ramos

              Naganap ang Division Fun Run sa Lungsod ng Balanga noong ika-30 ng Agosto na nilahukan ng mga guro, mag-aaral at mga opisyales ng Dep.Ed. Tunay na naghatid ng tagumpay at katuparan sa layunin nitong pagkakaisa at pagkamit sa iisang mithiin.

            Ang nasabing Fun Run ay naidaos nang matagumpay sa pamamagitan narin ng organisadong pangangasiwa at pangunguna ng mga guro at kinatawan ng komite ng Isports sa pangu-nguna ng P.E. Supervisor na si G. Armando Capili.

            Nilalayon din ng isinagawang Fun Run ang mithiin nitong tututukan at bigyan ng sapat na pansin ang mga manlalarong Balangeño upang mas maging agresibo at laging handa upang makapag-uwi ng tagumpay sa mga pang hinaharap na kompetisyon. Sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo sa mga pasilidad at kagamitang

 kailangan, mas magiging ganap ang kahusayan at kasanayan ng manlalaro sa kinabibilangang isports.
Comments