Latest News‎ > ‎

CLOSING CEREMONY FOR BRIGADA ESKWELA 2015 “Tayo Para sa Kalikasan, Kaligtasan at Kahandaan ng ating mgaPaaralan.”

posted Feb 29, 2016, 10:15 PM by Pilinda Rose Dominguez

Nina: G. Randy R. Salandanan (Guro sa 4 - Leo) at Bb. Concepcion C. Chiuco (Guro sa 4 - Taurus)

        Ang buong isang lingo ng paghahanda para sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa taong 2015-2016 ay nagtapos noong ika 23 ng Mayo. Nagsagawa ng isang Fun Run ang paaralan bilang pagtatapos sa Brigada Eskwela 2015. Dumalo ang mga mag-aaral  at ang kanilang mga kapamilya. Ito ay nagsimula sa maigsing programa sa pamumuno ng mga guro. Si Gng. Jennifer F. Ramos  ang nanalangin, si Gng Marian C. Robles ang kumumpas sa pambansang awit, ipinaliwanag ni Bb. Concepcion C. Chiuco ang mga dapat isa alang-alang sa pagsasagawa ng fun run. Ang mga nagwagi ay sina Marjorie M. Calma sa unang pwesto, si Judy Ann Gallentes ang pumangalawa at si Joemil Yeso ang pangatlo. Ang mga nagwagi ay tumanggap ng premyong P300, P200, P100 ayon sa kanilang pagkakapanalo. Ang lahat ay naging masaya sa pagsasakatuparan ng fun run lalo na ang lahat ay inanyayahan ni Father Reggie Hizon ng Bahay Puso at nagbahagi ng bigas, noodles, gatas, sardinas at sabon bilang tulong daw nila sa paaralan.


Comments