Latest News‎ > ‎

CITYWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL

posted Feb 29, 2016, 10:29 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Mar 3, 2016, 6:22 PM ]
            Ni: Bb. Concepcion C. Chiuco (Guro sa 4 - Leo)
           
             Noong nakaraang July 16, 2015 ay isinagawa ang Citywide, Simultanuos Earthquake sa Lunsod ng Balanga kung saan lahat ng pampublikong paaralan ay  nakilahok. At isa ang G.L. David Mem. Elem School sa nakilahok sa taunan pagsasanay na ito.

 July 15, 2015, Sinimulang ang paghahanda sa pamamgitan ng pagpupulong at pagpaplano ng CJR,SPG,YES-O at MAPEH/MSEP CLUB, kasama ang kani-kanilang adviser. Sa planong nabuo ang mga CJR at YES-O CLUB kasama ang school nurse ng si Gng Lorena. R. Tarrayo ay  mag-iikot sa bawat silid- araln upang muling ipaalala ang dapat gawin sa panahon ng lindol. Ang SPG at MAPEH/MSEP Club ay siya naman namahal sa paglalagay ng mga  sign kung saan ang mga lugar na dapat puntahan sa oras ng kapahamakan.

 July 16, 2015 ,Sa tulong mga mga guro, mag-aaral at magulang ang earthquake drill ay naging matagumpay napatunayang na ang pamilya at pamayanan ay nagkakaisa at handa sa anumang sakuna.

Comments