Latest News‎ > ‎Articles‎ > ‎

K + 12... Solusyon nga ba para maitaas ang antas ng EDUKASYON?

posted May 14, 2013, 7:03 PM by Pilinda Rose Dominguez
Ni Marilou T. Valiente

 

         Ang K+12 o ang Enhanced 12 year Basic Education program ng Department of Education ang pinakabagong programa ni at nilagdaan ng Pangulong Benigno  Aquino Jr. sa edukasyon. Bitbit niya ito sa kanyang 10 point agenda noong panahon ng kampanya sa pagkapangulo. Sa K+12, ang lahat ngkabataan na edad 5 ay dapat pumasok sa kindergarten(pre-school) at magdadagdag din ng dalawang taon naSenior High School. Lalagyan ang curriculum ng mgasubject na magbibigay ng vocation at technical skillstraining sa mga estudyante. Halimbawa ng mga ito ayang welding at machine operation.Ipapatupad ang K+12 sa isang ladderized o antas-antasna paraan.. Ang lahat ng grade 6 ngayong taon pababa ay papasok na sa dagdag taon ng K+12, ang dalawang taong Senior High School pagkatapos ng nakasanayang apat na tao. 

           Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas na lang kasi ang bukod tanging bansa sa Asya ang may pinakamababang bilang ng taon sa Basic Education. Suportado ang programang ito ng ilang sektor tulad ng mga nasa negosyo. Sa ganitong paraan ay maari ng makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos.

           Ang pangunahing adhikain ng K12 Program ng gobyerno ay ang pag aangat ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ngunit ito nga ba ay praktikal? Ito nga ba ang tunay na solusyon sa naghihikahos na estado ng edukasyon sa ating bansa? Kung dadagdagan ng taon ang pag-aaral ay malulunasan ba nito ang kahirapan? Mababawasan kaya nito ang mga drop out? Ito na nga ba ang kasagutan upang maitaas ang antas n gating edukasyon? Katanungan ng marami lalung-lalo ng mga magulang at mga mag-aaral. Ang pangamba ng marami, di kaya ito’y magdulot ng karagdagang paghihirap sa mamamayan lalo na sa mahihirap.

Comments