Latest News‎ > ‎Articles‎ > ‎

Feeding Program, Inilunsad

posted Dec 10, 2013, 11:52 PM by Pilinda Rose Dominguez
ni: Sheila May N. Reyes

               Nagkaroon ng launching para sa Feeding Program noong ika -9 ng Setyembre taong 2013. Ito ay  sa pangunguna  ng aming masipag na punungguro ng aming paaralan na si Gng. Ma. Jovita B. Singzon. Katuwang din ang ilang mga guro na  sina Gng. Pilinda Rose Dominguez ( Science Coordinator),Gng. Lea C. De Jesus ( EPP Coordinator) at Gng. Eloisa M. Bacani ( Health Coordinator).Dinaluhan din ito ng mga GPTA Officers ,mga magulang at lalung-lalo na ang dalawampung mag-aaral na kabilang sa Feeding Program.Layunin ng programa na matulungan  ang mga bata na may kakulangan sa timbang at ito ay sa pamamagitan  ng pagbibigay ng sapat at wastong nutrisyon,upang manumbalik ang kanilang mga normal na timbang.

             Masasaya ang mga bata sa masasarap na pananghalian na inihahanda  ng ilang mga magulang na boluntaryong tumutulong sa programa sa pangangasiwa ni Gng. Lea C. De Jesus.Bukas sa kanilang kalooban ang pagtulong sa pamamagitan ng pagluluto,paghahain ,pagliligpit at paghuhugas ng mga pinggan.Kaya’t  ang mga mag-aaral,mga guro ,mga magulang at ang aming punung-guro ay masaya sa tagumpay na simula ng programa.Ang Feeding Program ay ginaganap tuwing 11:30 ng umaga sa silid ng Home Economics.

            Kitang – kita sa mukha ng mga bata ang kasiyahan sa pagtanggap sa mga pagkaing inihahain sa kanilang harapan.Kaya’t sila ay masisipag at masisiglang dumadalo araw- araw  sa nasabing programa.Lubos din ang pasasalamat ng mga magulang.Sapagkat para sa kanila ito ay napakalaking tulong .Bukod sa mahirap para sa kanila ang magpakain ng gulay.Ang kanilang mga anak ay unti-unting madaragdagan ng bigat.Maraming salamat sa Feeding Program.

Comments