ni: Jolina L. Salazar “May mabuting layunin ang Panginoon
sa bawat pangyayari sa ating buhay.” Ilan lamang ito sa mga katagang nasambit
ni Ate Neneng, Nenita Baluyot sa tunay na pangalan nung aking siyang
nakapanayam para sa sulating ito. Kung kaya’t tumimo sa aking isipan ang mga
tanong na sa palagay ko’y siya lang ang makasasagot. Ipinanganak si Ate Neneng noong
February 16, 1959 at 54 na taong gulang na sa kasalukuyan. May bahay ni Ginoong
Danilo Baluyot o mas kilala bilang kuya Boyet at nabiyayaan ng 4 na supling.
Masayang naninirahan sa Tagles Ville, Balanga City. Maliban sa kalungkutan at
pangungulilang naranasan ng mawala sa kanilang piling at isama na ng lumikha sa
piling ng mga angel sa langit ang kanilang isang anak na sa edad nitong 12.
Siguro nga’y pinagtagpo ng tadhana ang
mag-asawa dahil sa parehas silang nakatapos ng pag-iihinyero bilang Chemical
Engineer sa Mapua Institute of Technology at kanyang asawa naman na Mechanical
Engineer ang natapos. Naging daan ang pagkawala ng anak
upang mag-aral siya muli sa Institute of Cathechetical Dioses of Manila.
Marahil sa kalungkutan at pangungulila na sa buong akala niya ay isa itong
magiging maliwanag na daan upang hilumin ang sugat ng kahapong nais paglabanan. Ngunit isa pala itong malaking
karangalan at mabuting daan sa katiwasayan ng kanyang puso at isip sapagkat
nabuo sa kanyang katauhan ang mahalagang misyon na kaloob ng Maykapal. Sa kasalukayan ay isa na siyang
Head Cathechist na malugod at buong pusong ginagampanan ang katungkulang itinalaga sa kanya bilang Pang-ulong
katekista.”Masaya ako at puno ng pasasalamat at dedikasyon bilang isa sa mga
misyonarya ng ating Panginoon sapagkat sa pamamagitan ko ay naibabahagi ko ang
mabuting salita ng Diyos sa mga bata at magulang na tunay na yaman at kabutihan
kong maituturing”-------Ate Neneng. Sa kabila ng hectic schedule sa
pagtuturo sa mga bata ay nakuha pa niyang tumulong sa kapwa katulad na lamang
na nangyari kay Gng. Nory M.Santos guro sa ika-anim na baitang habang nagtuturo
ng salita ng Diyos si Ate Neneng ang tumulong na magdala sa hospital kay Mam
Santos dahil nanikip ang dibdib at nahirapang huminga. Hindi siya nagdalawang
isip na tulungan ito at dalhin sa pinakamalapit na
hospital. Hindi niya iniwan si Gng. Nory M. Santos sa hospital hanggat wala ang
pamilya nito. Kaya maituturing na isa siyang Good Samaritan.
|