Latest News


IMPLEMENTATION OF BRIGADA KALINISAN AND DENGUE PREVENTION CAMPAIGN

posted Apr 12, 2016, 3:24 PM by Pilinda Rose Dominguez

ni: Gng. Pilinda Rose R. Dominguez
            Dengue Fever is a viral disease characterized by sudden onset of fever of 38 C and above, lasting for 5 days or more. This is accompanied by muscle or joint pains, appearance of petechiae of arms, body, feet and legs, positive tourniquet test and thrombocytopenia or low platelet count of less than 100,000/cu.mm.

             The most important way to prevent and control Dengue Fever is to eliminate favourable sites of the Aedes mosquitoes. This can be done by maintaining cleanliness of the surroundings and discarding containers that collect water suitable for breeding.

             The G. L. David Memorial Elementary School with the YES-O Club supports the campaign and had conducted the school-based Brigada Kalinisan and Dengue Prevention Campaign on November 2-8, 2015.

             The following activities were conducted: Clean-up Drive, each grade level cleaned the schools’ surrounding. They made sure that all trash bins were emptied and garbage was separated. Making themselves good examples for their schoolmates will be a great help to make school grounds clean and in order. Parents also participated on this activity. And Emptying stagnant water, stagnant waters in flower pots, vases, bottles and containers were emptied and changed, to make sure that eggs and wriggles of mosquitoes will be no longer live there. Bottles were turned upside down so that it will not catch water that the mosquito may lay their eggs.

             Continuing health education on prevention, control and management of Dengue Fever, is as important as the other activities. 

KAKAYAHAN NG MUSMOS IPAMALAS NG LUBOS

posted Apr 11, 2016, 1:43 AM by Pilinda Rose Dominguez

Ni: Gng. Michelle M. Andaya (Guro sa Kindergarten)    

Ika 10 at  ng Nobyembre taong 2016 ginanap ang pinaka hihintay at inaabangan taun-taon na kindergarten Festival of talents sa pang distritong paligsahan Sa Balanga Elementary School. Na may temang “KAKAYAHAN NG MUSMOS IPAMALAS NG LUBOS” Na nilahukan ng mga mag-aaral ng kinder mula sa iba’t-ibang paaralan sa lungsod ng balanga.

Sa ikaapat na taong KINDERGARTEN FESTIVAL OF TALENTS, muling lumahok ang mga kindergarten ng G.L David sa iba’t-ibang kategorya, tulad ng “Story Telling, Nursery Rhyme Recitation, Vocal Solo, Drawing, Creative Dance at Chamber Theater” at muling pinatuyan ng mga bulilit ang kanilang  galing sa iba’t-ibang kategorya.

Hindi man pinalad na manalo lahat ang sinalihang kategorya. Tila maipagmamalaki pa din ng G.L David ang mga batang lumahok sa nasabing paligsahan matapos masungkit ni Jacob R. Pangon ang Unang pwesto sa Story Telling, Lady Mishil B. Camania ikatlong pwesto sa Nursery Rhyme Recitation, Jhunianne Sophia D. Cruz Ikalawang Pwesto sa Vocal Solo at nasungkit din ang ikatlong pwesto ng mga batang ngsilahok sa Chamber Theater. At nabigyan ng pagkakataon upang makalahok sa pandibisyong kompetisyon na naganap naman Noong ika-12 ng parehas na buwan.

Buong husay na ginampanan ng mga piling mag-aaral ang pandibisyong kompitisyon sa pangunguna ng kanilang gurong tagapayo na si Gng. Michelle M.Anday.  Tulad sa pangdistritong kompitisyoni hindi man pinalad na masungkit lahat ang panalo sa pandibisyon. Nakapag uwe pa din ang ating paaralan ng karangalan. Matapos masungkit ni Jacob R. Pangon ang pangalawang pwesto sa story telling.

Bakas sa bawat bata ang kanilang kasiyahan na maipakita ang kani-kanilang talento. At naipagmalaki na sila ay batang musmos na may kakayahanag lubos.

KUDOS!!! LARGEST DANCE FITNESS CLASS 2016 (MARCH 18,2016 )

posted Apr 11, 2016, 1:38 AM by Pilinda Rose Dominguez

    

Ni: G. Randy R. Salandanan (Guro sa IV - Leo)

        Sulit ang pagod sa guiness world record….pagod, puyat at may kasiyahan ang nadarama sa lahat ng kalahok sa largest fitness dance class 2016 noong march 18, 2016. Halos 35,000 ang lumahok sa naturang programa ng city of balanga sa buong bataan. Nanguna na dito ang department of education na 14,000 na katao kasama ang mga guro at mga bata, bawat barangay ng buong balanga at iba pang grupo na kasama. Halos ang bawat isa ay may mga ngiti sa labi ng masungkit ang natin guiness world record na 16,218 ang mexico ay nasa 6,000…hindi lamang naging wagi ito kundi pati na rin sa tobacco  free generation halos doble ang kasiyahan at selebrasyon ng buong balanga. Kayat ang lahat nakiisa at talagang hataw na hataw bata, matanda. dumating si Regine Tolentino ng unang hirit upang ibalita sa buong pilipinas…. kaya sa bumuo ng ganitong programa sa pangunguna ng ating butihing Mayor Jose Enrique S. Garcia iii…..kudos!!!

 

OBSERVANCE OF RABIES AWARENESS MONTH

posted Mar 13, 2016, 7:17 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Mar 14, 2016, 4:49 PM ]

  

 

   By: Mrs. Eloisa M. Bacani (Grade 1 - Rizal)

    The Department of Education in collaboration with the National Rabies Prevention and Control Committee chaired by the Department of Agriculture will celebrate the observance of March as the Rabies Awareness Month with the theme End Rabies ,Now na!.All public and private elementary and secondary schools are enjoined to organized educational and school activities to strengthen rabies prevention.

    In line with this G.L David Memorial Elementary School conducted several activities last March 09,2016 headed by our supportive School Principal Mrs.Maria Jovita B. Singzon and with the cooperations of pupils, teachers, parents, Barangay Health worker Mrs.Joan B. Varuela and some Barangay Officers Mrs. Julie Dela Cruz and Mr. Emilio Bautista.

    Mrs. Eloisa M. Bacani being the coordinator of Health held varied activities such as;hanging of streamers for Rabies Awareness,giving education information and conducted film showing  about Dog Care Routine and the Effect of Rabies to human beings from Kinder to Grade VI and having a House to House Campaign for giving advocacy on responsible pet ownership.

   

BUWAN NG PEBRERO : LOVE IS IN THE AIR

posted Mar 7, 2016, 7:21 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Mar 8, 2016, 7:29 PM ]

    Nina: Gng. Michelle M. Andaya (Guro sa Kinder), Gng. Eloisa M. Bacani (Guro sa 1 - Rizal) at Bb. Crizalie Z. Noche (Guro sa 1 - Jacinto)    

Ika -29 ng Pebrero taong 2016 ay nagkaroon ng pagdiriwang para sa Araw ng mga Puso sa G.L David sa pangunguna ng aming minamahal na punong guro na si Gng.Maria Jovita B. Singzon at ang mga guro sa Kinder at Unang Baitang na sina Gng. Eloisa M. Bacani, Bb. Crizalie Z. Noche at Gng. Michelle M. Andaya. Kasabay rin ang simpleng pagdaraos para sa timpalak ng Guro-Ka-Look-Alike. Bawat mag-aaral, mga magulang, mga guro at mga panauhin na dinaluhan nina G. Leonardo L. David, Kagawad Beejay Pantalleon, GPTA Pres. Rhoda E. Illustre, GPTA Vice Pres. Elizabeth D. Lacaden, Gng. Irene Alonzo, Gng. Dulce Amor Q. Malig  at ang tatlong Gng.Generosa na sina Gng. Elvie Paguio, Gng. Sheila C. Montilla at Gng. Angelica Natividad ay labis na nasiyahan sa mga inihandang presentasyon ng mga piling mag-aaral  mula sa Una hanggang Ika-anim na baitang gayundin ang pagpapakita ng mga guro sa kanilang angking husay sa pagrampa sa entablado at pagpapakita  ng mga natatagong ganda .Ito ay isinagawa upang ipahiwatig ang ispirit ng pagbibigayan ,pag-uunawaan at pagmamahalan.

Nagkaroon din ng raffle ticket para sa Cake for a Cause at mayroon ding mga inihandang Booth ang bawat komite ng mga guro. Tulad ng Dedication Booth na kinabibilangan nina G.Randy Salandanan, Bb.Vanessa Austria at Bb. Concepcion C. Chiuco. Kiss Mark Booth na kinabibilangan nina Bb. Aurora V. Sibug, Gng. Marian C. Robles at Gng. Pilinda Rose R. Dominguez. Marriage Booth na sina Gng. Marilou T. Valiente, Gng. Jennifer F. Ramos at Gng. Nory M. Santos. Jail Booth na sina Gng. Lilia H. Vilan, Gng. Lea C .De Jesus at Bb. Maria Crispina S. Mendoza at U.K Booth na sina Gng. Eloisa M. Bacani, Gng. Michelle M. Andaya at Bb .Crizalie Z. Noche.

Ang pagdiriwang na ito ay isang masayang karanasan at hindi malilimutan ng  lahat lalung-lalo na ang mga gurong nagwagi para sa simpleng timpalak na sina Gng. Michelle M. Andaya, G. Randy R. Salandanan bilang 2nd runner-up sa Casual Wear  at Si Gng. Maria Jovita B. Singzon na nagawaran ng Best in Casual Wear. Hindi rin nagpahuli ang ibang mga guro para sa Guro-Ka-Look-Alike na sina Gng. Eloisa M. Bacani bilang 2nd runner-up, Gng. Maria Jovita B. Singzon bilang 1st runner-up at ang tinanghal na Guro-Ka-Look-Alike Grand Champion ay si Bb. Crizalie Z. Noche.

EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION...SIMULA NG KAMALAYAN AT PAMBANSANG KALAYAAN

posted Mar 3, 2016, 7:27 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Mar 3, 2016, 7:31 PM ]

Ni: Bb. Aurora V. Sibug (Guro sa 5 - Venus)

                Sadyang napaka bilis ng pagdaan ng panahon, tatlong dekada na ang nakalipas matapos maganap ang makasaysayang People Power revolution sa Edsa na dinaluhan ng milyon-milyong nagkakaisang Pilipino mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan. Sumiklab ang di malilimutang pagsasama-sama na ito ng mga kapwa nating Pilipino matapos ang mahabang panahon ng pagtitiis sa paniniil at pagpapahirap ng pamahalaang Diktatoryal sa pamumuno ng noo’y Pangulong Ferdinand Marcos. Makalipas ang dalawampung taong panunungkulan at pagyurak sa mga karapatang pantao ng bawat Pilipino sa ilalim ng Martial Law ni Marcos.

                Unti-unting umusbong ang kamalayan ng bawat isa maging sundalo, pari, madre, manggagawa o karaniwang mamamayan man ng bansa at sama-samang ipinadama ang mapayapang pagkamit ng kalayaan at bawat karapatang nararapat kamtin ng bawat isa lalo na ang kalayaan sa pamamahayag ng damdamin at saloobin sa pangunguna ng kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa na si Cory Aquino katuwang sina Fidel Ramos, Juan Ponce Enrile at Jaime Cardinal Sin na kapwa malaki ang iniambag na suporta sa nagkakaisang layunin ng mga Pilipino sa panahon ng mapayapang rebolusyon.

                Kaisa din ang paaralang G.L. David sa paggunita at pagdiriwang ng ikatatlumpung taon ng EDSA Revolution. Sa pamamagitan ng maikling programang pampaaralan, sa pakikiisa ng mga mag-aaral, guro at mga magulang nagkaroon ng mga timpalak gaya ng Slogan, Poster at Essay writing contest patungkol sa pagdiriwang pati na ng sayaw drama sa himig ng kantang “Magkaisa” na naglalaman ng mga kaganapan noong panahon ng Edsa at maramihang pag-awit ng kantang “Handog ng Pilipino sa Mundo”.

                Natapos ang paggunitang programa sa pamamagitan ng Lowering of the Flag  bilang hudyat ng pagtatapos ng isang buong linggo na puno ng kaalaman at baon ang mga karunungang magsisilbing sandata sa pagharap sa mga hamon ng buhay sa kasalukuyan.   

 

PAGDIRIWANG NG RIZAL DAY SA LUNETA PARK

posted Mar 3, 2016, 7:14 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Mar 3, 2016, 7:17 PM ]

Ni. Bb. Aurora V. Sibug (Guro sa 5 - Venus)

            Ika-30 ng Disyembre nang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas ang magiting at kahanga-hangang kamatayan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal matapos ang matalino at  matatag na prinsipyong ipinamalas niya upang tuligsain at ipahayag sa kanyang mga akda at lathalain ang mga pang-aabuso at paniniil ng mga Kastila sa kanyang mga kababayan na ating mga ninuno. Tumatak ang tunay na kabayanihan ni Rizal sa bawat mamamayanang Pilipino matapos na siya’y hatulan ng mahabang panahon na pagkakakulong at sa huli’y pinatawan ng parusang kamatayan matapos na mapatunayan  ng pamahalaang kastila ang kaugnayan niya sa mga akda at pahayagang naglalaman ng makatotohanang kaganapan sa pananakop na ginawa ng mga mapang- abusong kastila sa ating bansa. 

            Kaugnay nito, taon-taon ay ipinagdiriwang di lamang sa ating bansa ang kabayanihan ni Rizal maging sa ibang lugar sa mundo. Sa lugar naman kung saan ipinataw sa kanya ang kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya ng nakatalikod sa Bagumbayan na ngayon ay kilala bilang Luneta Park ay isinagawa ang pag ala-ala sa kanyang pagiging tunay na maka-bayan kasabay sa araw ng kanyang kamatayan. Sa panguguna ni Pangulong Benigno Aquino katuwang ang ilang haligi ng pamahalaan, mga magigiting na sundalo at kapulisan, mga taong nagsidalo sa paggunita kabilang ang ating paaralang G.L. David, sa pangunguna ng ating butihing punong-guro na si Gng. Ma. Jovita B. Singzon,muling sinariwa ng lahat ang mahalagang araw na ito bilang pagsaludo at pagdiriwang ng ika- 119  ni Rizal na isa sa naging hudyat ng malawakang pagkakaisa at pakikibaka ng ating pagkamit sa matagal ding inasam na kalayaan. Mula sa pagtaas ng bandila ng bansa hanggang sa gitnang bahagi ng pole na tanda ng paggalang sa mga bayaning namayapa na, sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Rizal hanggang sa maka hulugang gun salute na pinangunahan ng mga sundalo mula sa Sandatahang Lakas ng bansa, naging makabuluhan ang nasabing pag ala-ala na naganap ika-30 ng Disyembre sa Luneta Park at muling napatunayan na di mawawaglit sa kamalayan at kaisipan ng bawat Pilipino ang katapangan, katalinuhan at kabayanihang inalay ng ating Pambansang bayani na si Rizal makamtan lamang ng mga kapwa niya Pilipino ang kalayaan at kaginhawahan ng puso at damdamin.

 

 

PASKONG GLDMES 2015

posted Mar 3, 2016, 7:03 PM by Pilinda Rose Dominguez


Ni: Bb. Aurora V. Sibug (Guro sa 5 - Venus)


Nadama muli ang diwa ng pagbibigayan, walang patid na kasiyahan at lubos na pagpapahalaga ng bawat mag-aaral, guro at mga magulang ng paaralang G.L. David matapos na makiisa sa pagdiriwang ng kinapapanabikang kaganapan ng lahat lalo’t higit ng mga bata, ang Christmas Party. Taun-taon, tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre nagaganap ang espesyal na pagdiriwang na ito at noong ika-18 nga ng buwan, sa pangunguna ng punong guro ng paaralan na si Gng. Ma. Jovita B. Singzon, napuno ng mga di-malilimutang karanasan, kagalakan at mga nakaaaliw na presentasyon ang isang buong araw na pagsasalo-salo, pasasalamat at higit lalo ang paggunita sa pagsilang ng Dakilang Tagapagligtas.

Umaga pa lamang ay sinimulan na ang pagdiriwang sa pamamagitan ng maikling programa na kinapalooban ng ibat-ibang presentasyon at surpresang bilang na pinagbidahan ng mga  kandidata ng Gng. Generosa na hindi nagpahuli at talagang nagpamalas ng mga husay sa pag-indak. Patunay lamang na sila’y handa na para sa nalalapit na Araw ng Koronasyon na magaganap sa buwan ng Enero taon 2016. Bahagi pa rin ng palatuntunan ang pamamahagi ng mga sertipiko sa mga guro ng paaralan na pinangunahan ni Gng. Singzon, kasunod ang mensahe at malugod na pagbati ng Ikalawang Pangulo ng  GPTA na si Gng. Elizabeth Lacaden bilang pagwawakas sa unang bahagi ng pagdiriwang. Agad na sinimulan naman ang pagdiriwang ng bawat guro ng Class Christmas Party sa kanya-kanyang silid aralan katuwang ang mga magulang na nakisalo sa masayang selebrasyon.

Di rin nagpahuli ang mga guro, GPTA at SPG Officers sapagkat sila naman ang lumasap ng saya, pagkasabik, aliw at pagpapalitan ng mga bitbit na regalo sa kanilang sariling Christmas Party Celebration na ginanap sa hapon ng parehas na petsa. Natapos ang buong araw na puspos ng pagmamahalan, pagbibigayan at di mapapantayang kasiyahan bitbit ang positibong pananaw at dalangin ng maayos, mapayapa at mas maunlad na 2016. 

ARAW NG PAMILYA TAGUMPAY

posted Mar 3, 2016, 6:49 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Mar 8, 2016, 7:30 PM ]

Nina: Bb. Maria Crispina S. Mendoza (Guro sa 2 - Orchid) at Gng. Lilia H. Vilan  (Guro sa 2 - Sampaguita)

            Nadamang muli ang nag-uumapaw na kasiyahan at di maawat na pananabik sa muling pagdiriwang ng Araw ng Pamilya sa GLDMES. Sa pakikiisa ng mga pamilyang nagsidalo sa mahalagang pagdiriwang, ang markang muli ang tunay na diwa ng pagpapahalaga sa pagsulong ng buo at nagkakaisang pamilya.

            Bahagi ng pagdiriwang ang naging paligsahan din sa talent ng mga pamilyang kalahok ng bawat baitang at pangkat na nagpamalas ng angking husay at galing sa talentong napili upang makuha ang boto ng mga hurado at itanghal na “FAM TO FAME 2015” champion. Nasungkit ng magkapatid na Quimba ang kampyonado na mula sa IV – Leo, pumangalawa naman sa kanila ang tambalan ng mag-ina ng pamilya Mariano mula sa I – Rizal at nakamit ng V – Earth ang ikatlong puwesto matapos na mapasakamay ito ng magtiyahing Edgardo at Romelyn ng Pabustan Family. Bahagi din ng pagdiriwang ang “Boodle Fight” na kung saan sama-sama at sabay – sabay na nagsasalo-salo ang lahat sa isang masagana at nakabubusog na hapag baon ng mga magulang, guro at mga batang nakisaya sa araw ng pamilya. Lalo pang napuno ng saya ang buong pagdiriwang matapos kabahan at masabik ang lahat para sa “Ice Bucket Challenge” na suportado ng mga guro at mga HRPTA Officers na naging isport at tinanggap ang hamon ng buhos kaysa magbayad at agad itong sinundan ng ibat-ibang kapana-panabik na palaro na inihanda ng mga guro para sa bawat kasapi ng pamilyang magsidalo mula kinder hanggang ika-anim na baitang.

BUWAN NG NUTRISYON IPINAGDIWANG

posted Mar 3, 2016, 6:40 PM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated Mar 8, 2016, 7:31 PM ]

                

Ni. Bb. Maria Crispina S. Mendoza (Guro sa 2 - Orchid)

        

        Idinaos ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa Paaralang GL David upang masiguro na ang lahat ng mag-aaral ay magiging kalahok sa pagdiriwang alinsunod sa paksa ng nutrisyon ngayong taon na “ Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo”sa pamamagitan ng mga pansilid-aralang mga palatuntunan ng bawat baitang  at pangkat.

            Isa na ang Grade II – Orchid sa mga nakiisa sa nasabing selebrasyon at nagsagawa din ng munti ngunit makabuluhang programa sa kanilang silid. Laman ng programang kanilang isinagawa ang “Coloring Contest” na si Gng. Lilia H. Vilan, gurong tagapayo ng GradeII-Sampaguita ang nagsilbing hurado. Itinanghal na pinakamagaling sa pagkukulay sina Althea Khate M. Binsol at Arlo O. Ramos.

            Bahagi din ng munting palatuntunan ang mga nakalilibang na pagtatanghal na ipinamalas ng mga mag-aaral ng II-Orchid gaya ng pag-awit, pagtula, pagsagot sa mga trivia questions at sabay sabay na paggalaw sa pamamagitan ng pag-eehersisyo. Hindi rin nagpahuli ang gurong tagapayo ng II – Orchid matapos niyang ipaliwanag at masusing ipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kahalagahan at mahalagang bahagi ng kalusugan sa bawat isa.

                Natapos ang programa ng masaya at nagpatuloy na ang lahat sa aralin matapos ang ipinamalas na suporta para sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. 

1-10 of 36