announcement‎ > ‎

“District Read-A-Thon Reading Contest Inilunsad”

posted Oct 22, 2009, 11:20 PM by Roxanne Rueda

“District Read-A-Thon Reading Contest Inilunsad”

 

          Sa pagsuporta ng bawat mag-aaral sa programang “Every Child-A-Reader Program” (ECARP), ang Kagawaran ng  Edukasyon ay naglunsad ng isang araw na patimpalak sa bawat mag – aaral mula ikatlo hanggang ika - anim na baitang. Nakipagtulungan din ang International Scholastic Inc. na siyang nag-implementa ng National Read – a - Thon Project, simula pa noong taong 2006 – 2007 sa lahat ng Pampublikong Eskwelahan sa Elementarya.

        Ang Read –a- Thon Project ay inilunsad upang hikayatin ang lahat ng bata mula una hanggang ika – anim na baitang na magbasa ng mga aklat na kapakipakinabang at kapupulutan nila ng aral.

        Kaya ang Unang Distrito sa Balanga ay naglunsad ng isang patimpalak sa pagbasa na ginanap noong Agosto 28, 2009, sa Balanga Integrated School sa ganap na ikapito ng umaga at natapos ng ika – lima ng hapon. Ito ay pinasimulan ng ating mga Education Supervisor sa English at Filipino na sina Gng. Felicisima Oria at Dr. Corazon Lopez. Sila ang nanguna upang ang patimpalak na ito ay maisakatuparan ng maayos. Dinaluhan ito ng iba’t – ibang paaralan sa Unang Distrito kasama ang kanilang mga gurong mababait at mga estudyante sa ikatlo at ikalimang baitang. Nagbigay sila ng kanilang kaalaman kung papaano ang gagawing patimpalak.

       Pagkatapos ng panimulang programa na ginanap sa Friendship Hall ng Balanga Integrated School, ibinigay ng ating masisipag at mababait na Supervisor ang bawat pupuntahan nilang silid – aralan na kung saan gaganapin ang bawat kategoryang sinalihan.  Kabilang dito ang:

   a. Best Team Readers, ito ay binubuo ng 3 mag – aaral sa

       ikatlong baitang at ikalimang baitang

   b. Best in Story Retelling, at

   c. Best in Oral Interpretation.

Sina Gng. Jovita Singson ng Our Lady of Lourdes ang naging quiz master sa ikatlong baitang at si Bb. Ellen Macaraeg sa ikalimang baitang para sa Best Team Readers. Maraming naglaban – laban ngunit ang nagwagi ng unang gantimpala sa ikatlong baitang ay nag magagaling, bibo at laging handa sa pagsagot ng katanungan ay nagmula sa ating paaralan ito ay sina Marc Oliver Canillas, Sam Castillo at Manuel Guatno. Pumasok din sa pang – apat na pwesto ang mga bata sa ikalimang baitang na sina Charlie Castillo, Jomar Gonzales at Julio Guevarra III at nakamit naman ni Romelyn Pabustan ang ikatlong pwesto para sa Oral Interpretation Category. Sila ang nagbigay karangalan sa ating paaralan. Kaya dapat natin silang tularan. Sila rin ang muling inilaban sa Division Read – Thon Contest na ginanap noong ika 3 ng Setyembre, 2009. Hindi man sila pinalad sa Division Level, lubos pa rin ang kanilang kasiyahan dahil naipakita nila ang kanilang kakayahan at nalaman nila ang kahalagahan ng pagbabasa ng aklat.       


EDUCATION SUMMIT AT PTA OFFICERS MAGKASABAY NA INILUNSAD

 


Ika-13 ng Agosto taong 2009 ay nagkaroon ng isang pagdiriwang para sa Education Summit at PTA Officers Induction Ceremony. Ito ay dinaluhan ng ating mga mababait at mga masisipag na pinuno ng ating lungsod. Dumalo sa pagtitipon ang ating Governor Jose Enrique “Tet” Garcia, City Mayor Jose Enrique S. Garcia III, City Vice Mayor Noel Joseph L. Valdecañas at ang mga City Councilors ng Lungsod ng Balanga. Nagpakita rin ng suporta ang ating mga minamahal na mga Kawani ng Gobyerno sa larangan ng Edukasyon na si Dr. Milwida Guevarra (President and CEO, Synergia), Sir Jessie D. Ferrer (Assistant Schools

Division Superintendent), Dr. Hilario D. Garcia (City Consultant on Education), mga ES – Supervisors, mga punung-guro, mga guro at mga nahalal na mga magulang sa bawat paaralan sa unang distrito ng Balanga.

 

Layunin ng Education Summit na maibigay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa ating mga mag-aaral at mapaunlad ang ating lungsod. Ngunit, ang lahat ng mga ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagbibigay suporta nating lahat sa mga proyekto sa inihanda ng ating kagalang-galang na Mayor Jose Enrique S. Garcia III. Kaya’t pinanumpaan ng bawat guro at mga magulang ang mga posisyon na kanilang ginagampanan. Bilang pagpapakita ng kooperasyon. Bukod dito, sila rin ay naghatid ng kasiyahan para sa mga nagsidalo. Nagpamalas sila ng talento sa pagsayaw na labis na ikinahanga ng lahat. Nagpakita rin ng husay sa pagsasalita bilang guro ng palatuntunan ang ating mayumi, maganda at mabait na punung-guro na si Gng. Zenaida C. San Pedro. 

Comments