announcement

Ika-123 Anibersaryo ng Kagawaran ng Edukasyon

posted Jun 21, 2021, 11:28 PM by Admin   [ updated Jun 23, 2021, 12:54 AM ]


Ang G.L. David Memorial Elementary School ay nakikibahagi sa pagdiriwang ng ika-123 Anibersaryo ng Kagawaran ng Edukasyon ngayong araw na may temang "Bayanihan para sa Edukasyon".
Sa marami nang taong lumipas hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang layunin ng DepEd na ihatid ang dekalidad na edukasyon lalo't Higoy sa gitna ng pandemyang ating kinakaharap.

DepEd's PINTIG "Showcasing Performances of Hope and Resilience"

posted Jun 14, 2021, 3:51 AM by Admin   [ updated Jun 14, 2021, 3:55 AM ]

YouTube Video

RE-RESBAKUNA NA ANG MGA KA-DEPED!

posted May 11, 2021, 9:43 AM by Pilinda Rose Dominguez   [ updated May 11, 2021, 10:03 AM ]


Kasali ang bawat guro, kawani, at magulang sa ating kampanya upang protektahan ang pamilya, paaralan, at pamayanan laban sa COVID-19!
Magpabakuna na at patuloy na makiisa sa mga required public health standards upang masiguro ang ligtas na balik-eskwela para sa ating mga anak.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa inyong mga LGU at bisitahin ang deped.gov.ph/vacc2school.
Basahin ang DTFC Memorandum No. 372 para sa gabay sa pagpapabakuna ng mga guro at empleyado ng DepEd: DTFCMemo372
#Vacc2School #SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo

From Manager to Elementary Teacher

posted May 14, 2010, 10:55 PM by Roxanne Rueda   [ updated May 11, 2021, 10:03 AM by Pilinda Rose Dominguez ]

Mrs. Lea de Jesus, 28 years old is a young manager of K Servico for 10 years became an elementary teacher at G.L. David Elementary School.  She started a simple employee to the said company until she reached the higher position with her effort. She was single that time until she met the man of her life. Then they got married and bloom with one girl and one boy.

“As years goes by, I felt that I’m not enjoying with my daily routine. I am bored and tired chatting other people and convincing them with our products”,she said.

She wanted to practice of what she actually learned and mastered as an elementary teacher so she decided to resigned as a manager and applied as a teacher in the Division of Balanga.

Last June,2009, she’s teaching as a Grade III section 2 teacher at G. L. David Memorial Elementary School.

“I know it took time to adjust on but I  am happy of what I am doing”, she said.

She’s hoping that this coming school year 2010 – 2011 she serve as a regular/permanent teacher on her own town.  

 

Tiamson…. Athlete of the Year

posted May 14, 2010, 10:54 PM by Roxanne Rueda   [ updated May 11, 2021, 10:07 AM by Pilinda Rose Dominguez ]

Valerie Tiamson, a Grade VI pupils of G.L. David Memorial Elementary School won first place in athletics in City Meet last December 9 – 11, 2009 at Balanga Athletic Ground. She gave her best to win. She received medal and certificate of participation. Tiamson  must be the one to participate in CLRAA this coming February, 2010. ‘We were very glad if she will make it again! Goodluck and Godbless!’ said the principal.

Hurray! A Covered Tent for Us

posted May 14, 2010, 10:52 PM by Roxanne Rueda   [ updated May 11, 2021, 10:05 AM by Pilinda Rose Dominguez ]


By:  Mildred N. Montañez

 

       A Covered Tent stood up to some elementary schools of Balanga City before graduation of March, 2010. It was the project of the principals  in some schools because during the monthly convocation or school activities, pupils are suffering from heat. ‘We’re happy and thankful when our beloved City Mayor Jose Enrique S. Garcia III granted this request’ said the principal.

      This covered tent protects the pupils, parents and everyone from heat and even the rain comes. ‘We are so glad that our school, G.L. David Memorial Elementary School is one of the luckiest receive it’ teachers said.

 

Upcoming Brigada Eskwela

posted May 14, 2010, 8:48 PM by Roxanne Rueda

We are inviting all parents, pupils and other non-government organizations to join the Brigada Eskwela on May 24-28, 2010.  Your 100 % participation and cooperation on the said activity is highly needed.  Enrolment of Pre-elem and Grade One pupils will also be conducted on the said dates.  Please bring xerox copy of birth certificate.

 

Teaching Force

posted Jan 16, 2010, 4:32 PM by Roxanne Rueda

zen


lily


melai


jen



eloi


marian


mel







tinay


lea


xan





Teacher’s Day, Ipinagdiwang….

posted Oct 22, 2009, 11:49 PM by Roxanne Rueda

        “Handog pasasalamat para sa mga gurong matatapat”. Ito ang tema ng ika-13 taong anibersaryong pagdiriwang ng Teacher’s Day noong ika-5 ng Oktubre 2009. Bahagi ng nasabing pagdiriwang ang pagbibigay parangal sa mga natatanging guro ng Lungsod ng Balanga pampubliko man o pribado. Kasama na rin sa pagbibigay parangal ang mga retiradong guro sa unang baitang.

 

          Sinimulan ang pagdiriwang ng isang misa bilang pasasalamat at pagbibigay papuri sa Panginoong Lumikha. Sinundan ito ng isang Roll Call. Isang mensahe ng pagbati at pagtanggap ang ibinahagi ng ating mabait at kapi-kapitagang Assistant Schools Division Superintendent Leonardo Zapanta . Lubos ang kasiyahan ng mga guro nang lumahok din sa nasabing pagdiriwang ang Punong Lungsod ng Balanga Jose Enrique “Joet” Garcia. Kasunod naman niyang dumating sa lugar ng pagdiriwang ang kanyang butihing ama at pinagkakapitaganang ama ng Lalawigan ng Bataan na si Gobernor Enrique “Tet” Garcia. Kapwa sila nagbigay ng mensaheng makabuluhan, puno ng kasiyahan at pag-asa upang mas lalo pang itaas ang integridad at kalagayan ng mga guro higit lalo ng buong Lalawigan ng Bataan.

 

          Iba’t ibang palaro gaya ng mga relays at iba pa na talagang nagpaangat sa katuwaan at pagiging agresibo ng mga sumaling mga guro. Lalo pang tumindi ang kompetisyon ng magsimula sa paligsahan ng sayaw ang mga guro sa distrito nasasakupan ng lungsod, ang una at ikalawang distrito. Nagpamalas sila ng husay sa pagsayaw ng katutubong sayaw ng bansa. Makukulay na kasuotan at makatotohanang paggalaw upang maisabuhay ang pagsayaw ang ipinakita ng mga gurong kalahok sa nasabing paligsahan na lalong nagpaigting sa kompetisyon. Sa huli, nakamit ng ikalawang distrito ang pwesto ng mga pinakamagaling sa pag-indak ng katutubong sayaw.

 

          Nagsalu-salo ang lahat sa masaganang meryenda at tanghalian na nagpabusog sa lahat ng mga dumalo. Bago pa man matapos ang makabuluhang pagdiriwang sa araw ng mga guro ay ipinagkaloob at ipinamahagi na ang parangal sa mga retirado at mga piling mga guro ng unang baitang. Napasa-kamay ng guro ng tiga-Cupang Elementary School sa unang baitang ang parangal na pinakamahusay na guro. Bilang pangwakas, ay nagbigay naman ng kanyang makahulugang mensahe si PSDS-OIC Jessie D. Ferrer sa lahat ng mga guro ng lungsod.

 

          Natapos ang programa na puno ng galak, pag-asa, hamon at taas noong pagmamalaki ng mga gurong matatapat na bahagi ng lipunang matatag, maprinsipyo at may mabuting hangarin upang lalo pang umunlad at isulong ang programa ng lungsod ang “World Class University Town 2020”.

 

Green Tea, mainam sa gilagid Ni: Romelyn Pabustan

posted Oct 22, 2009, 11:40 PM by Roxanne Rueda

Green Tea, mainam sa gilagid

Ni: Romelyn Pabustan

 

          Ang isang tasa ng green tea bawat araw ay maaaring makatulong upang maiwasan ang gum disease.

          Natuklasan ng researchers na sa middle-aged Japanese, ang panganib sa sakit ng gilagid ay bumaba sa pagtaas ng green tea intake ng kalalakihan.

 

          Para sa isang tasa ng green tea na kanilang iniinom kada araw, ang panganib ng pagkakaroon ng sintomas ng gum disease – kabilang ang bumababa, madaling magdugong gilagid – ay bumababa, iniulat ng researchers sa Journal of Periodontology.

 

          Gayunman, ang findings ay hindi nangangahulugang dahil sa green tea ay maaari nang hindi bumisita sa dentista ang isang tao, sabi ni Dr. Yoshihiro Shimazaki, isa sa researchers ng pag-aaral. Iginiit niyang ang wastong oral care pa rin ang pinakamahalaga.

 

          Kung tunay ngang nakakatulong ang green tea laban sa gum disease, ito ay dahil concentrated ang antioxidant compounds na polyphenols sa green tea, ani Shimazaki.

1-10 of 12