About

A.V.R. sa G.L. David

ni: Rica Muñoz


Nagkaroon ng AVR sa G.L. David Memorial Elem. School sa tulong ng mabait at masipag nating Punong-Lungsod ng Balanga na si Kgg. Jose Enrique S. Garcia III. Siyempre ito ay sa pagpupursige din ng ating masipag na punong-guro na si Gng. Zenaida C. San Pedro. Ang Audio Visual Room (AVR) ay isang room na kung saan ang layunin ay magamit ng ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

              Mabuhay at marami pong salamat sa walang sawa ninyong paggawa ng mga paraan upang magkaroon ng mas de kalidad na edukasyon ang bawat mag-aaral ng aming minamahal na paaralan.


Circular Tent… sementado na

Ni: Melody Guatno

               

  Sa limang taon kong pananatili sa paaralang ito ay marami ng pagbabago akong nakita katulad ng mga nadagdag na silid-aralan, nagkaroon ng H.E. building, mga silid-aralan na nilagyan ng palikuran, mga paintings sa mga pader, tiles ng principal’s office, grills ng kinder, H.E. building at Grade I classrooms.

                  Ang tumutulong stage at lumang kesame ay napalitan na rin pati na ang school canteen ay nalagyan na rin ng kesame at dagdag na rin ang mga door frames ng silid-aralan ng Grades V at VI ay sinimento na dahil sa kinain na ng mga anay ang pinagkakapintan nito.

At ang huli, ang pagsesemento ng ilalim ng circular tent na dating baku-bako at maalikabok.

Lahat kami ay natuwa sapagkat makakapagdaos na kami ng maayos at kapag may mga activities hindi kami maiinitan habang isinasagawa ang iba’t -ibang gawain katulad ng monthly convocations.

Comments