Home‎ > ‎Latest News‎ > ‎

G.L. DAVID PASOK SA MATH CHALLENGE DIVISION ELIMINATION ROUND ni: Romelyn R. Pabustan

posted May 11, 2011, 12:31 AM by Roxanne Rueda

Dalawang  baitang mula sa  G.L. David  ang pumasok sa Math Challenge Divison Elimination Round na ginanap sa Cataning Elementary School noong ika-13 ngEnero taong2011.

Sina Maribel C. Cubales at Emmanuel  D. Guatno mula sa baitang apat ang siyang nakakuha ng ikasampung pwesto. At sina Ciara Eliene O. Cruz at Romelyn R. Pabustan naman ng baitang anim ang pumasok sa ikawalong pwesto sa naturang Math Challenge Elimination Round.

Sa likod ng kahusayan ng mga bata ay naroroon ang mga tagapagsanay na sina Gng. Marilou T. Valiente sa baitang apat at Bb. Roxanne D. Rueda sa baitang anim upang hasain sila sa pagiging Mathetiniks

Ang sampung nanguna sa MTAP Elimination Round ay nakapasok sa Math Challenge Orals na ginanap sa Cupang Elementary School nong ika-11 ng Pebrero. Ang iba pang nakilahok sa paligsahan ay sina: (Baitang I) Althea Jane Balor, James Conrad Ramos, Christian Estoque – tagapagsanay Gng. Eloisa N. Bacani; (Baitang II) Odessa C. Tiamson, Jhello L. Sarmiento, Carlo C. Vasquez – tagapagsanay Bb. Lilia Q. Herrera; (Baitang III) Sushmita Mae Estoque, Arjay Montefalco, Grace Gaspar – tagapagsanay Gng. Marian C. Robles; (Baitang IV) Yceia Ed Camania, Emmanuel D. Guatno, Maribel C. Cubales – tagapagsanay Gng. Marilou T. Valiente; (Baitang V) Jomari Durupan, Princess Gaspar, Kristine Joy Limbo – tagapagsanay Bb. Roxanne D. Rueda; (Baitang VI) Charlie B. Castillo, Ciara Eliene O. Cruz, Romelyn R. Pabustan – tagapagsanay Bb. Roxanne D. Rueda.

         

Comments